Dear Pagibig,
Ang sarap sarap mo talagang maranasan sa buhay kahit na ang hirap hirap mong pakisamahan. Ang dami mong naituro sa aming lahat kahit paulit ulit kaming nasasaktan. Isa ka sa pinakamalaking bahagi nang aming buhay na hindi mawawala kailanman, sapagkat sa bawat pagtibok ng mga puso sa sanlibutan ay nagpapatuloy ka upang antigin ang aming mga kaluluwang nalulumbay. Sandigan ka nang mga pusong naligaw, niligaw at nawala. Tunay kang mahika nang bawat isa dahil sa taglay mong anyo sapagkat nagagawa mong baguhin ang takbo nang bawat buhay ng tao. Marami narin kaming sinubukan mo at andyan yung masaktan kami, mabigo, mawalan ng pagasa, paasahin at masiraan nang ulo. Kahit na ang hirap hirap mong intindihin at unawin lagi ka paring nasa panig nang pagmamahal. Marami nga kaming nasaktan mo pero marami din naman ang nagtagumpay dahil sa mga aral mo. Salamat at natututo ako sa mga pagkakamali ko, natuturuan ko rin ang sarili kong manalig sa mga aral mo. Isa kang inspirasyon sa diwa nang aming kaisipan na unti unting dumadaloy sa pagpintig nang aming mga pusong nagmamahal. Mahiwaga nga ang presensya na meron ka dahil hindi magiging totoo ang mga pangako kung hindi mo pinapatibok ang puso nang isang tao. At simula nung maramdaman kita sa unang pagtibok nang puso ko nakita ko kaagad kung gaano mo pinabilis ang daloy nang lahat, ganun din ang pagbagal nang mga bagay at oras. Sa pagkakataong iyon naramdaman ko kung gaano mo ako dinidiktahan upang hanapin ang aking kabiyak. Wala akong nagawa kundi ang maging masaya at mangarap na balang araw makakamit ko ang ibinigay mo. Pero nagkamali ako sa isang pagkakataon, akala ko simple lang ang mga pamamalakad mo. Yun pala sinusubukan mo lang ako kung maaari nabang isabak sa masakit na parte ang puso ko. Dumating ang takdang panahon, ako’y muli mong sinubok at diniktahan. Pinakita mo kung gaano kaganda ang lahat nang bagay na meron ako at ang taong mamahalin ko. Pero hindi ko naramdaman na mabibigo pala ako at masasaktan sa paraan na ikaw mismo ang magdadala sa akin para matuto. Sa ngayon marami parin kaming tinuturuan mo at sinusubukan mo. Dahil pinagpapatuloy namin ang paghahangad nang perpektong relasyon na hindi namin matutunan hanggang ngayon. Isa kang kasaysayan sa presensya at diwa nang aming puso at kaisipan sapagkat hindi ka nawawala kahit kami’y nasa panig nang masasama. Halimbawa ka nang isang magulang na nagtuturo sa anak kung papaano lumipad at maglakad mula sa mga aral na maibabahagi mo. Salamat at dinala mo ako sa kakaibang mundo nang pagmamahal at sa iba’t ibang dahilan nang pagibig na meron ka. Hindi ko malilimutan yung mga sandaling kinilabutan ako dahil sa binibigay mong banta para masaktan muli ako. Pero dahil sa mga natutunan ko mula sa presensya mo nakukuha kuna unti unti kung gaano kahalaga ang makisama sa ibinigay mong kabiyak ng aking puso. Totoo nga ang magpakailanman at sa palagay ko apilido mo Pagibig sa presensya nang pagmamahal. Nasa dulo pala ang aral na gusto mong matutunan naming lahat at ang nais mo ay makamtan namin ang ang pagmamahal sa magpakailanman. Wala na akong masasabi pa higit sa meron ka dahil ikaw ang nagturo sa akin kung paano mabuhay nang hindi tumitigil sa pagpaparamdam sa iba ng diwa ng pagibig. Kaya salamat presensya nang pagibig dahil sa mga aral mo nakamtan nang karamihan ang magpakailanman.
Author: wellaboop doop